all we have is now (etherealecstacy) wrote in dbtbangbangbang,
all we have is now
etherealecstacy
dbtbangbangbang

para sa ikabubuti ng lahat

wow.
ngayon ko lang nabasa yung previous thread dito. di ko akalain na hahaba siya ng ganun. hahahaha. may mga nakapentrate pa.ako kasi gusto ko na palipasin, tapus na e. tama na. kaya lang lumalaki na, hindi na tama to.
tama siya. OA na.
FYI
nung nagsusulat kami dito, buhay na buhay yung galit namin. may karapatan naman kami siguro magsulat sa sarili naming blog ang mga nararamdaman namin, tama man o mali, dahil entitled kami dito, the same way that particular station has been exercising its freedom. the same way all of you who posted are.

***
so again, para lang malinaw. galit ako (speaking for myself alone, this time)sa abs, una, dahil pinabayaan nilang mamatay ang halos 75 na inosenteng mahihirap. sila ang organizers. para saken sila ang dapat managot. kung ikaw ba mag organize ng ganyan kalaking event, hindi ba dapat ikaw ang managot? bakit ang pulp, nagawa naman nila ng maayos. e masmayaman sila sa pulp. walang excuse excuse. patay na e. alangan namang magsampa pa sila ng kaso.
dumagdag na lang yung pbb. (again, i speak for myself alone) ayoko na actually pansinin, pero ang sakit kasi para saken bilang isang kaibigan. isipin mo kaibigan mo sinisiraan in public ng hindi nya alam. pakiintindi na lang. lahat ng ginawa namin ay dahil sa pagkakaibigan. wala nang ibang dahilan. OA na kung OA. kahit ba siya yung nagpasok sa sarili nya dun. ganun talaga e. mahal namin sha.
sila po ang naginterview samen. hindi kami ang lumapit sa kanila.
yung sa nagmura ako, hindi naman ako yung pumayag na i-air yun. so wala na saken dapat yun. they asked for our message, we gave them our message. tapos.

lahat ito ay opinyon ko bilang isang indibidwal.


kung gusto nyo mag react dito, ako na tirahin nyo wag na po yung banda ko. hindi na nga lang ako magrereply kasi ayoko na. tapos na. bumalik na tayo sa mga buhay at trabaho natin. ang daming masmalaking problema na kailangan natin pagaksayahan ng pagod. salamat.
***

lahat ng opinyon ninyo ay rinerespeto namin, OA man o hindi, kung gusto nyo man kami o hindi, kung narinig o napanood nyo na kami tumugtog o hindi. kaya sana pareho rin. ok nga yan e. kahit band blog lang to biglang may mga napaguusapang non-band issues. hinay hinay lang mga kapatid.


TIRAHIN PO NATIN YUNG PROBLEMA, WAG PO YUNG TAO.

gusto lang namin gumawa ng kanta at tumugtog. ok?

salamat

lara
Subscribe
  • Post a new comment

    Error

    default userpic
  • 22 comments